Buhay Opisina from Kuya Lloydie
Repost ito sa paborito kong blog: Dear Kuya Lloydie
Dear Lloydie,
Itago mo na lang ako sa pangalang Bruno. Ako ay isang big shot na boss sa isa sa mga opisina dito sa Ortigas. Sumulat ako para hingan ng payo ang nangyayari sa akin sa opisina. Napapansin ng mas mataas sa akin na boss ko na nagreresign ang mga empleyado kong babae. Ito ay sa kadahilanang ilan sa mga ito ay napopormahan ko. Di naman sa pagyayabang, eh may kagwapuhan naman ako at matipuno. Di ko talaga matiis na hindi magpahaging sa mga magagandang babae na hawak ko. Pakiramdam ko kasi e lalaking-lalaki ako kapag napagchichisimisan na “bata” ko yung bagong receptionist o sales agent. Karaniwan na binibiro ko ang mga babae, at pinagsasabihan ng mga double meaning na salita. Pero wala naman sa akin yun, pilyo lang talaga ako. Pero nag-eenjoy akong mambastos ng hindi halata. hehe. Ano ang dapat ko gawin? Baka malagay sa alanganin ang trabaho ko. Tsaka, fyi lang, lahat halos ng babae sa opisina ay dumaan sa akin, maliban lang sa ilan na pakipot.
Sumasaiyo,
Armando
* * *
Dear Bruno,
Nabalewala ang pagtatago mo ng tunay mong pangalan dahil naisulat mo din sa huli. Ang laki mong tanga.
Bruno, gusto ko malaman mo na walang “cool” o “macho” sa sinabi mo. Hindi sukatan ng pagiging tunay na lalaki ang dami ng chiks mo. Ang tunay na ibig sabihin ng ginagawa mo ay isa kang insecure na putanginang manyak na walang karanasan at walang babaeng tunay na nagmamahal. Hula ko ay hiwalay ka na sa asawa mo kung meron man, o di kaya ay sa nobya, dahil maliit ang iyong… kokote. At t*t*. Akala mo siguro makakaligtas ka sa katotohanang iyan. Ayon sa pag-aaral, ang mga lalaki na agresibo sa pagpapakita ng kanilang superiority at pagiging dominant sa kababaihan ay insecure dahil sila ay may maliit na tweety. Hindi mo alam na pagtalikod mo, pinagtatawanan ka ng mga babaeng pinagmamalaki mo na dumaan sa iyo dahil parang Bibbo cocktail hotdog ang tweety mo. Paumanhin, i-slice mo pa sa dalawa ang cocktail hotdog, at ganun kalaki ang tweety mo pag galit. Pag hindi galit, i-slice mo pa ulit sa dalawa, ayun ganun lang kalaki. Oo, napasobra ako sa pagtalakay sa tweety mo.
Bruno, matuto kang rumespeto sa babae. Pinagmumuka mo lang caveman ang sarili mo sa mga inaasal mo. Ang babae ay dapat ginagalang. Wala ka bang nanay o kapatid man lang na babae? Isipin mo na sa bawat pambabastos mo sa babae ay nagmumuka ka lalong insecure na hijo de puta. Oo may alam akong kaunting Espanyol na salita. Vamos!
At Bruno, hindi ako magtataka kung isang araw ay mawalan ka ng trabaho dahil sa ugali mong asal kanto. Ipagdadasal ko pa na itapon ka mula sa 20th floor ng building niyo nang baka sakaling maalog ang utak mo at malaman mo na mali ang pagtrato mo sa mga babaeng empleyado sa inyo. Maipapayo ko lang sayo, kung mahal mo pa ang iyong trabaho at ayaw mong mapaghalata ang size ng iyong tweety, irespeto mo ang mga babae. Igalang mo sila. Kung hindi, pinapangako ko sayo na magagalit ang fairy godmother mo at isusumpa ang tweety mo na maging kasing laki na lamang ng calamansi. Hindi,masyado pa malaki yun. Magiging parang buto na lang yan ng calamansi.
Sana ay naliwanagan ka. Tandaan mo na ang tunay na lalaki ay marunong rumespeto.
Nagmamahal,
Kuya Lloydie



