Manifesto ng Mabuting Empleyado

1. Ang mabuting empleyado ay pumapasok sa tamang oras, nagla-lunch sa tamang oras, umuuwi sa tamang oras at pumipetiks lagi sa oras ng trabaho (pero dapat mukhang laging busy).
2. Ang mabuting empleyado ay laging binibigay ang 100% niya sa trabaho. (50% sa monday. 25% sa tuesday. 15% sa wednesday. 10% thursday. 5% sa friday)
3. Ang mabuting empleyado ay umiinom at nanchi-chics tuwing friday.
4. Ang mabuting empleyado ay nagpapalibre lagi sa boss.
5. Kung boss ka naman manlibre ka nga naman (kaya ka nga boss).
6. Ang mabuting empleyado ay nagbo-blog sa oras ng trabaho.
7. Ang mabuting empleyado ay nagcomment lagi ng mukhang matalino pakinggan tuwing meeting (para hindi halatang bugok).
8. Ang mabuting empleyado ay nagco-commit sa ano mang shit at ka-leche-han na iniuutos sa kanila.
9. Ang mabuting empleyado ay laging naghahanap ng malaking suweldo. (para may pantutos sa manifesto no.3)
10. Ang mabuting empleyado ay laging nagrereklamo na maliit ang suweldo.
11. Ang mabuting empleyado ay laging HONDA. Honda-dot pag umuuwi parang laging hinahabol.

Post to Twitter Post to Plurk Post to Yahoo Buzz Post to Delicious Post to Digg Post to Facebook Post to MySpace Post to Ping.fm Post to Reddit Post to StumbleUpon

  1. No comments yet.

  1. No trackbacks yet.